By: YO Guevarra
Naranasan mo na bang matulala sa kawalan?
Yung tipong tutulo na lang ang luha mo
ng hindi mo namamalayan…
marami kang iniisip
ngunit hindi maisatinig…
marami kang gustong gawin
pero parang may pumipigil..
Kahit hindi ka inaantok?
Pilitin ang sarili para lamang makalimot
Kumain habang busog?!
Para lamang sa pagkain maibuntong ang lungkot
Minsan sa buhay
kailangan mong malungkot
Para sumaya…
Mahirapan para guminhawa...
Madapa para matutong bumangon...
At sa pagdating ng unos
Ika’y maging matibay na tao
Sa bawat paggising ay biyaya
Sa bawat biyaya hatid ay pag-asa
Tandaan mong hindi mo kailangang
Ipaliwanag ang sarili mo sa iba
‘pagkat ikaw lang ang nakakaalam
Kung kailan ka lalaya at magiging Masaya
Mapalad kang dumanas ng lungkot
‘pagkat alam mo na kung paano
Pahalagahan ang bawat sandaling
Ikaw ay Masaya…
Mapalad kang dumanas ng pag-iyak
‘pagkat alam mo na ang pakiramdam
Ng isang nasasaktan…
Isipin mong sa kabila ng mga ito
Masuwerte ka kung ikukumpara sa iba
Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong
Dumanas ng matinding pagsubok
Upang matutong umunawa’t magpahalaga
Namnamin mo ang bawat pait
Tiisin ang bawat sakit
Hindi sa habang panahon
Madilim ang iyong bukas
Huwag kang mainip maghintay
Ang tamang panahon ay ibibigay..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento