Linggo, Nobyembre 10, 2013

“Reason bakit Crush kita”

By: Eric Navarro Tumalay

Unang una’t praprankahin kita, Hindi ka sexy,
Hindi rin maganda, Masungit, Tahimik, at Suplada ka,
Pero ang tanong Bakit crush kita?
Hindi ko rin alam kung saan nagsimula,

Bawat kong pagiwas pag ako’y namumula,
Dinadaan sa bawat letra ng aking tula,
Pusong kinikilig at nais magwala!
Dapat ba kitang tawaging CRUSH?

Pag lapit mo kasi’y di ko mapigilang mag BLUSH,
Ngingiti sana ako pero gusto ko ulit magBRUSH,
Para naman fresh at di magmukhang TRASH..
Lagi kitang pinapangarap parang FANTASY,

Laging magisang ngumingiti parang naka ECSTASY,
Nangangarap na ang love story natin ay pangFAIRY TALE,
And never end up sa masaklap na pangEPIC FAIL, (^^)
Pupusta akong nakangiti ka na.

Pero di pa tapos ang aking pangchochorva,
Dahil lagi kong inaabangan ang ating HOROSCOPE,
At ikaw ang lagi kong sinusulat sa FLAMES HOPE,
I don’t know kung paano ko sayo ieEXPLAIN,

Pintig ng puso ko kasi sing bilis ng BULLET TRAIN,
Para ka kasing GERMS that kutikots my HEART,
And with one SMILE wow! I think my world will ERUPT.
Can’t think of any reasons kung bakit kita nagustuhan,

Simple LOGIC and REFLEX lang siguro ng aking katawan,
Pero one thing I know kung bakit ko to sinimulan,
May mga bagay kasing di itinuturo pero natututunan.
Kaya sa chick na nakakabasa ng sinulat ko,

Oh please makaramdam ka! kaw pinapatamaan ko,
Iaangat ko na ang pagmamahal ko sa RED ALERT!
At mangangako akong sayo lang makikipagFLIRT! (^O^)

IBA'T-IBANG KLASE NG BOYFRIEND.

1. Mais
- Un bang wala ng ginawa kundi bumanat ng bumanat, “mais kaba? bakit?” “hindi tayo tao hindi tayo hayop. anu tayo? bagay tayo”. In short BADUY pero aminin kinikilig!

2. Galante
- Sabihan mo lang na gusto ko nito gusto ko nyan, bibilhin kaagad nya. Minsan kahit nagjojoke ka lang nabili na pala nya. Kasaya! haha.

3. Feeling Kanya
- Nang-aangkin. Magulang kita?, “akin ka lang ha!”. Sa una masaya pero pag tagal na puro nalang kanya. Wala ng sayo.

4. Kapitan Pangako

- Pangako! Pangako! Pangako! Lagi namang napapako. Promise hindi na mauulit.. Utot mo! ikaw naman ito maniniwala na lang. Ano pa nga ga? Mahal mo ee.

5. Mr. Bawal
- Wag kang pupunta dyan. Wag mo gawin yan, Nakakainis na. Lalabas ka lang ng bahay magagalet kaagad? Pati makipagtext sa kaklaseng lalaki para magtanung ng assignment magagalet na? Tapos pag sa kanya na dahilan ki dahilan ng eto naman ay ganito ganyan. Itsura mo!

6. Man of Surprise
- Magpaparinig ka tas kunwari walang narinig or kunwari di kayang gawin. Syempre Ok lang sayo. Yun pala pinagiipunan na tas bigla ka nalang nya isusurprise. Nakakainis no? :”“”>

7. Pretender
- Yun bang kita mo ng may problema sa kanya, tanggi pa din? kita mo ng nagseselos. Hindi pa rin DAW? Kita mo ng napapagod. tas tatanungin mo Ok lang daw sya. Ok lang ako, Ok lang talaga.

8. Kuripot
- Wala akong pera ee. Next time nalang. Reregaluhan nalang kita ng aking pagmamahal. Kunwari pasweet ayaw lang namang gumasto. Un bang kaibigan mo pa ang bumibili ng mga bagay na gusto mo tas sya naman magseselos. Krisis ga? at wala kang pera haha.

9. Boring
- yan na. best definition na yan. Title itself. kailangan pa bang ipaliwanag? haha.

10. Dependent
- “San tayo pupunta?” “Ikaw, ikaw bahala, Kung san ka dun ako.” “San tayo kakain?”“kahit saan. ikaw na magdecide” Wala kang sariling desisyon? Puro nalang siya. haha. nakakainis minsan. Kadalasan ding pinagmumulan ng tampuhan.Yun bang hindi mo matanong, tas pag tinanong mo ibabalik sayo ang tanong? Bola lang? Bouncing.. xD

11. Sumbatero
- Super baet. Mapagbigay at mapagmahal. Tas maya maya isusumbat lahat sayo ang kanyang ginagawa na parang kala nya lahat na lang ay siya ang gumagawa. Aba naman.

12. Effortman
- Ito ang gusto ng mga babae. Effort kung Effort, Prideless. at Super mapagmahal. Un bang ikaw na ang mahihiya sa kanya. Ikaw na ung manliliit kasi di mo matumbasan ung mga bagay na nagagawa nya. Un bang parang baggage counter na magbibitbit ng bag mo. Parang electric fan na papaypay sayo. tas lageng andyan kapag kailangan mo. Magiintay kahit umuulan at gabi na. napapatanung siguro kayo. Mayroon pa ba nyan? haha , malay natin.

pansin nyo ba?
Walang Seloso no?
kasi lahat ng lalaki..

SELOSO wag lang aabusuhin

Anong qualities nga ba ang hinahanap ng mga babae sa lalaki sa panahon ngayon?

MAY PLANO SA BUHAY
Karamihan ng babae gusto yung lalaking may direksyon ang buhay. Yung lalaking marunong magplano para sa future at yung lalaking may pangarap. Kasabay ng pangarap nandun din dapat ang galing at diskarte. Bawat tao may angking galing. Nasa tao na lang kung pano pagbubutihin. Binigyan ka ng angking talento kaya paghusayin mo.

5 MAJOR TURN ON SA GIRLS

1. Yung babaeng hindi marunong magmura. Yung takot siya magsalita ng bad words kasi hindi yun tinuro ng nanay o tatay niya.

2. Yung walang make-up. Simple lang, pero kapag ngumiti, nakakapanghina. 

3. Yung may talent sa pagkanta o kaya pagsayaw. Nakakaseksi kasisa paningin namin yun kapag may talent. Nakakanganga ba, parang ganon.

4. Yung hindi malandi. Okay lang yung suot. Hindi maikli ang short. Hindi kita cleavage. Yung gusto niya nirerespeto siya ng tao kaya hindi siya nagsusuot ng kita ang kaluluwa. Nakakatuwa pag ganun. Mas nakakamangha.

5. Yung madaldal. Yung tipong masarap kakwentuhan. Yung tipong sobrang meaningful ng sinasabi niya. O kaya naman, kahit na wala ng kwenta yung sinasabi niya, napapasaya ka pa rin.> Pero wag naman sobrang daldal. Haha

PAANO BA TALAGA NADEDEVELOP ANG FEELINGS NG ISANG TAO?

  • KAPAG INAASAR KA NG ISANG TAO - madalas :tong mangyari diba? ung once na inaasar ka ng isang tao, pag hindi siya nagparamdam sa’yo parang hindi na buo ung araw mo. HINAHANAP-HANAP mo yung pang-aasar niya sayo pero hindi mo namamalayan, SIYA NA PALA ANG HINAHANAP MO ♥ 
  • KAPAG KAUSAP MO LAGI ANG ISANG TAO - yung tipong nasanay ka na lagi mo siyang kausap, kakwentuhan ;) hindi lilipas ung isang buong araw na hindi kayo nagkakausap ;) once na hindi mo siya nakausap, parang may KULANG, yung tipong kahit sa phone lang kelangan magkausap kayo para masabi mong buo yung araw mo ♥ 
  • KAPAG PAREHO KAYO NG GUSTO/HILIG - yung parang MUTUAL lahat ng gusto niyo, yung interest niyo sa mga bagay-bagay ;) at least dun pa lang MUTUAL na kayo diba? :D ♥ 
  • KAPAG NAPAPATAWA KA NIYA - malaking bagay na napapatawa ka ng isang tao. yung parang pag may problema ka, andiyan siya lagi para pasayahin ka. yung feeling na nakakagaan ng pakiramdam pag nakikita mong nag-eeffort siya mapangiti ka lang niya ♥ 
  • BIRUAN/TUKSUHAN - eh dito naman lahat nag-uumpisa yan e yung tipong “joke” lang daw nung una, tapos sineseryoso niyo na pala ang isa‘t isa ♥

Pag INLOVE ka :)

  • Lagi sya nasa isip mo 
  • Lagi may sweet messages 
  • Gusto mo lagi syang kasama 
  • Panay update ng status sa FB ng mga banat/quotes 
  • Yung nag eeffort kayo para lang mapatibay yung relationship 
  • Yung nag kukulitan kayo tapos may mag tatampo pero sa bandang huli mag kakabati din 
  • Yung I love you dito, I love you too doon. 
  • Yung pag kasama mo sya ayaw mo ng matapos ang Oras.
  • Yung laging concern sayo. 
  • Yung sasabihin sayo na “Hinding Hindi kita sasaktan, Mahal kita, kase pag ginawa ko yun parang sinaktan ko na rin ang sarili ko.”Nagiging selosa/seloso ka. 
  • Sarap ng inlove no, pero iilan nalang nyan ang nakakaranas ng ganyang feeling swerte kung may better half kang ganyan. :)

Memo To Men

1. Moody:
-Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.

2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat:
-Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.

3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment:
-Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.

4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali:
-Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.

5. Selosa kami:
Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.

6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo:
-Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.

7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman:
-Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.

8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali:
-Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.

9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo:
-Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :">

10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin:
-Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.

11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective:
-Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.

12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang:
-Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!

13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort:
-Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.

14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya:
-Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya.

15. Magaling kaming mag-pretend:
-Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami