Linggo, Nobyembre 10, 2013

Anong qualities nga ba ang hinahanap ng mga babae sa lalaki sa panahon ngayon?

MAY PLANO SA BUHAY
Karamihan ng babae gusto yung lalaking may direksyon ang buhay. Yung lalaking marunong magplano para sa future at yung lalaking may pangarap. Kasabay ng pangarap nandun din dapat ang galing at diskarte. Bawat tao may angking galing. Nasa tao na lang kung pano pagbubutihin. Binigyan ka ng angking talento kaya paghusayin mo.


ALAM ANG SALITANG RESPETO
Sa panahon ngayon iniisip ng mga babae konti na lang ang mga lalaking marunong rumispeto at doon sila nagkakamali. Akala ng mga babae pag nakakita ng sexy o maganda ang isang lalaki type na nila agad, napalingon lang gusto na agad at may nilike lang na picture type na agad. Oo, natural sa mga lalaki ang mapatingin sa mga babae lalo na kung sexy o maganda. Ang tanong may respeto ba sila? Tingin mo tunay ba silang nagagandahan sa mga babaeng halos maghubad na sa suot o kaya yung puro dibdib ang litrato? Sa katunayan, mas bumababa ang tingin nila sa mga ganoong babae. Hindi porket tinignan ka ng lalaki sa suot mo e maganda o sexy ka na. Tandaan, minsan ang mga babae din ang gumagawa ng dahilan para irespeto sila. Kung binastos man kayong mga babae, mag isip baka sakaling ikaw din ang dahilan.

GENTLEMAN
Hindi ito yung naging usong sayaw ni Psy na ginagawan ng cover ng mga babaeng maiikli ang shorts. Ito yung quality na nagpapakita ng pagiging marespeto, maalaga at maingat sa mga babae. Walang babaeng ginusto tumawid sa kalsada na nasa safe zone pa ang lalaki, yung ang bigat na nga ng bitbit tatanungin pa ng “mabigat ba?” o kaya yung sila pa ang nagbubukas ng pinto para sa lalaki at lalong lalo na yung nasa LRT o MRT at nakatayo tapos yung lalaking nasa harap ay ang sarap pa ng upo tapos bigla pang magtutulugtulugan kunyari walang alam. MABAIT Wala namang babae ang naghangad ng lalaking malademonyo ang ugali. Bawat tao may natatagong bait kahit gano pa kaloko yan.

MAY SENSE OF HUMOR 
Yung may kadate ka tapos magjojoke wala namang kwenta, boring diba? Gusto ng mga babae yung masaya kasama. Yung marunong kung papano pangitiin o pasiyahin ang babae at yung alam kung ano ang limitasyon ng biro. Simpleng banat pede na wag lang sosobra at baka masampal ka.

TALENTED
Yung marunong kahit di masyadong magaling sumayaw, kumanta, umarte, may alam gamiting instrument, kumain ng bubog, maghilamos ng kumukulong mantika o kahit na anong nakakamanghang gawain. E pano kung paglalaro ng computer games lang ang alam tulad ng dota o lol? Intindihin, malay mo dun lang sya magaling.

MATALINO
Hindi ito yung mala google ang dami ng alam. Konting kaalaman at diskarte lang sapat na. Di kailangan umabot sa punto na magpakanerd lang kakabasa mapasagot lang yung babaeng crush mo. Diskarte lang pre.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento