Linggo, Nobyembre 10, 2013

"Walang Titulo"

May mga taong mataas ang pinag-aralan,
Nagkamit ng mga medalya at natatanging karangalan,
Karamihan sa kanila'y mayayaman at kilala sa lipunan,
Madalas kinatatakutan dahil sa taglay na kapangyarihan,
At ang pagkamakatao ay tuluyang nakalimutan.

Tila ginto ang kanilang inumin at pagkain,
Walang bahid ng polusyon ang sinasagap na hangin,
Ngunit may ugaling sadyang di mo rerespituhin,
Pagka't nilalamangan ang kapwa at labis na inaalipin,
Itinatapon sa dagat, ibinabaon sa buhangin.

Sya daw ay isang mahusay na manggagamot,
Ngunit kung ika'y kapos sa salapi, serbisyo'y ipagdadamot.
Matalinong negosyante ang turing sa kanya,
Bawat tubo at sentimo ay napakahalaga,
Tila kulang pa ang impiyerno sa mga gusaling ipatatayo nya.

Sa pagtatanggol sya daw ang tunay na magaling,
Bigyan mo lang ng kaunting halaga,
ang mata ng hustisya'y biglang magkakapiring.
Isama mo pa ang mga demonyong hukom,
Mga kawani ng gobyernong sa tainga ay may batong nakabaon,
Tuwina sa katotohanan, kamao ay nakatikom.

Oh', kaibigan ang kalayaan wag mong patuloy na i-abuso,
Alagaan at mahalin ang iyong kapwa tao,
Hindi man lahat tayo ay naging edukado,
Ang bawat nilalang ay pantay-pantay sa mundo,
Pagkat sa harap ng Maykapal hindi natin maibibigay ang titulo.

"Kung di ang pagiging mabuting tao"...

By:

Engkandyosache Camalon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento