Linggo, Disyembre 22, 2013

MOVING ON...

by: YO

Paano ba magsisimula?
Saan ba ako dapat mag-umpisa?
Kung lahat ng sakit na idinulot mo
Ramdam ng buong pagkatao ko?!



Hindi ko alam kung anong nangyari
Bakit ba nagka-ganito?!
Iniwan mo ako sa mga panahong…
Hindi ako handang bitiwan ka…

Araw-araw iniisip kita
Kahit hindi ko alam kung ganun ka rin ba
Mahirap..pero pilit kong kinakaya
Na sa muling paghakbang ko…
Ay hindi na kita kasama

Kung nakikita mo lang sana ang mga luha
Pati ang sugat sa puso kong iniwan mong nakabuka
Kung nasusukat lamang ang lalim ng sakit na nadarama
Malalaman mong….napakasakit talaga!

Pero huwag kang mag-alala
Magiging okay din ako
Alam kong isa ka sa mga taong…dadaan lang sa buhay ko
Sadyang hindi ko lang napaghandaan ang araw ng pag-alis mo
Na kahit ang mga ngiti ko
Ay hindi kayang itago ang sakit na nararamdaman ko

Ganun pa man…salamat sa’yo!
Dahil minsan sa buhay ko
Naging IKAW at AKO

Balang araw makakaya ko na rin na tignan ka
Na wala na akong nararamdaman pa
Hindi na kita mami-miss…
Mawawala na rin ang sakit….

At darating din ang araw
Na masasabi kong…
Naka-MOVE ON na ako
At hindi ko na muling aasamin…
Na mahawakan muli ang mga kamay mo

At sa muling pag-hakbang ng mga paa ko…
Alam kong…MAGMAMAHAL ULIT AKO!

# Yo Guevarra

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento