Martes, Enero 21, 2014

KASI NGA....MAHAL KA LANG NG BALIW NA TO!

Isang linggo katumbas ay isang buwan
Isang araw katumbas ay isang linggo
Bawat minuto ikaw ang laman ng isip ko
Bawat Segundo ikaw ang sigaw ng puso ko
Ganyan kasi kita ka-MISS mahal ko!

Ilang milya man ang layo sa isa’t isa
Ako man ay nandito at
Ikaw ay nandyan sa kinaroroonan mo…
Malamang! Kasi nga…
Long Distance Relationship tayo
Kahit ganito ako…
Maramdaman mo sana ang pagmamahal ko

Pag-ibig nga naman
Kapag naramdaman ng kahit sino man
Mapuyat man magdamag
Magbilang man ako ng taghiyawat
Walang pakialam
Makausap ka lamang!

Panahon natin ay kulang at limitado man…
MAHAL KITA! Kaya lahat may paraan

Huwag ka sanang mapagod na intindihin ako…
Huwag sanang magsawa sa mga kapraningan ko…
Sa mga kuwento kong minsan hindi konektado…
Sa nakakainis na kakulitan ko….
Kasi nga…mahal ka lang ng baliw na toh!

May mga sandali man na nananahimik ako….
At pakiramdam ko…maiiyak ako sa sobrang inis sa’yo
At tanging “ILOVEYOU” lang
Ang maririnig ko sa walang prenong pagdaldal ng bibig ko
….ay sapat na para ngumiti ako at marealize…..

Na ang isang baliw na tulad ko…
Ay MAHAL NG ISANG KATULAD MO!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento