Ang buhay ay sadyang puno ng mga pagsubok,
Maraming suliranin ang sayo'y magpapalugmok,
Minsa'y pananampalataya mo ay nagiging marupok,
Hindi maiwasang naisin na ang puso'y tumigil na sa pagtibok.
Subalit paano ka nga ba magiging masaya,
Kung sa mga mata mo'y umaagos ang masasaganang luha?
Bakit di mo subukang agam-agam ay isantabi ng pansamantala?
At ang bigat sa iyong kalooba'y idaan mo sa pagbuntong-hininga.
Huwag mong iisipin ang sasabihin sayo ng iba,
Mga masasamang gawi nila'y ipagkibit-balikat mo na,
Basta't maging tapat ka sayong gawa at nadarama,
Mapapatunayan mong mali ang kanilang mga paninira.
Matutong pakawalan ang mga pangyayaring hindi mo napanghawakan,
Sarili mo'y wag ikulong sa iyong mapait na nakaraan,
Pagkat hindi nahahanap sa ibang bagay o tao ang tunay na kasiyahan,
Bagkus ito'y nasa positibong pagkatao at ganap na kakuntentuhan.
Iwasang matakot na mabigo at magkamali.
Talino at talento mo, bukas ay aani rin ng mga papuri,
Ang pagtawa at pag-iyak ay hindi dapat ikinukubli,
Dahil dito nabubuo ang natatangi mong bahaghari.
Bawat hininga mo ay di na maibabalik,
Kada tibok ng dibdib mo ay isang beses lang pipintig,
Kaya ang mga mahal mo'y araw-araw bigyan ng matamis na yakap at halik,
Laging magregalo ng kayamanang kung tawagin ay "PAG-IBIG!"
# Engkandyosache Camalon

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento