Lunes, Enero 20, 2014

OO nga naman

Minsan, sadyang may pagkatanga ang tao. Alam na natin ang sagot pero humahanap pa tayo ng ibang tao para sabihin satin yung bagay na alam naman nating nararapat. Umaasa tayo sa mga bagay na alam nating di na dapat pang asahan.. Nakakatawa no? matalino ka naman.. Pero pagdating sa ganitong bagay, natatanga ka. Minsan, alam mong dapat mo nang kalimutan pero makulit ka pa sa bulateng kiri na binabalikbalikan ang nakalipas na dapat mo nang ibaon sa limot. Haay.. Buhay nga naman. Yun bang lahat ng taong nakapaligid sayo sinasabi na sayo ang tama at dapat mong gawin pero mas pinili mo yung nararamdaman ng puso mo kesa sumunod sa alam mong dapat. Tapos eto ka ngayon.. iiyak iyak na parang batang inagawan ng kendi ng bully mong kalaro. Ewan. Saka ka lang magigising pag tapos na ang lahat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento