Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Love Notes. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Love Notes. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Hunyo 13, 2014

Make Worthy Decision

Sa una lang naman nakakapanghinayang ang sinirang samahan. Pero kapag naiisip mo na lahat ng ginawa niya kaya kayo humantong sa paghihiwalayan, maiisip mo nalang, tama rin ang nagawa mong desisyon. Dahil sapat ng mga rason yung mga bagay na nagawa niya para tapusin mo kung anong meron kayo. 

The Point of view of true Relationship

Tandaan mo na walang pag-ibig ang nabubuo sa pundasyon na pinuno ng galit, gulo at paninibugho na gumuguhit ng maraming maling akala, pagdududa, tagpi-tagping kwento at pandaramay sa mga taong wala naman talagang alam sa pinagdaraanan ninyo. At higit kailanman hindi naging susi ang pagtahol gaya ng nasisiraang ulo na nagpapatunay lang sa kung anong klaseng PAGKATAO at edukasyon ang dala-dala mo. 

Tao kang nagmamahal sabi mo kaya PATUNAYAN mo ng may puso --- Pusong may Talino, Paninindigan, Hinahon, Dignidad at Respeto! 

Huwebes, Hunyo 12, 2014

Sa Relasyon....

Ang PAGMAMAHAL hindi dapat isinusumbat bagkus pinaparamdam lang........
 
Wag mong samantalahin ang kahinaan ng isang tao lalo na kapag alam mong ikaw ang kahinaan nya.. Lagi mong tandaan, Ang pagpapahalaga na ginagawa ng isang tao para sayo ay ang pagpapahalaga din na gusto niyang maramdaman mula sa'yo...

Martes, Mayo 13, 2014

Never Waste Time

Too much self motivation,
too much encouragement,
too much kindness and
too much faith

Mainam maging positibo sa mga effort na gagawin mo, para sa bagay o tao na gusto mo maging iyo, pero lagyan mo ng time frame, lagyan mo ng hangganan. Hindi naman talaga mahirap paibigin ang tao kung gusto kang mahalin nito. Kung wala pa rin, wag mo na pilitin, para wala ka nang masyadong effort na sasayangin. Para kung sakaling masaktan ka at mabigo... Hindi "too much".

Never waste time for someone who doesn't even bother wasting time just for you.. be with someone who will say, "time is wasted if i am not with You"..

Sabado, Mayo 10, 2014

Relationship 101

Sometimes we've been to "not so ideal" relationship but LOVE was just too powerful to MANDATE those hurdles to get through the passage. Indeed, Love is not just an emotional matter but its a decision of two wonderful people who trusts and behold their vows of love in the most criticizing eyes of MANY people.

Himok ng Pagkakataon

Sadyang mapaglaro ang isip at nararamdaman ng mga tao ngayon. Yung kahapong mahal na mahal ka, bukas iiwan ka na. Yung mga taong hindi mo pinapansin, sila pa yung bigla nasa iyong tabi. At may mga salitang akala mo magpapatunay ng wagas na pagmamahalan pero isa lamang palang KASINUNGALINGAN....

Love Note

PAALALA
kapag nagmahal ka, huwag kang aasa kung ano yung nararamdaman ng puso mo.

Martes, Abril 15, 2014

Patner?

Pag nagsawa ka ba sa ugali ng partner mo.. hihiwalayan mo? papalitan mo ng bago? bakit sa tingin mo ung ipapalit mo perpekto? kung di ka marunong magtiis at umunawa. walang mangyayare sa relasyon nyo.. lahat nmn may pagkakamali.. dapat

Linggo, Marso 23, 2014

Cigarettes and Dust

I like dust... when its all over.. me
it feels good,
when sadness is all over me. I can just..,
just dust it off......
Love and money are like this cigarettes.
What the use without light? 
Can you love without light?
Cigarette ill just chuck it away.
Chuck it, chuck it...,
same with your sadness

Sabado, Marso 8, 2014

Dangerous things we don’t know about love

Most of us view love as something wonderful and magical whilst is true we tend to ignore its other facets. Love is not just a mere feeling of showing affection towards someone or being attached to something. It is not just a positive feeling that we believed it to be. It is more than that. Sometimes, this special feeling that we humans feel, can be negative and can create unexpected turn of events in our life or in the life of others.

Huwebes, Marso 6, 2014

Move on

Sapat na ang mga pagluha at kalungkutang dinulot niya. Ang paulit-ulit na pag re-play ng mga nangyari sa isip mo ay masasabing self torture na. Umahon ka na, tumingila ka't ngumiti. Dahil nagising ka na at nahiwalay sa tulad ng mga relasyong may isang nagmamahal na nagpapakatanga. Be positive, because GOD just gave you the chance to find someone better.

Dakila

Dakila ang mga taong masarap magmahal kahit na hindi nasusuklian ng tama yung pagmamahal nila. Yung pag nagmahal sobra maipakita lang niyang malinaw ang pagibig niya, kahit yung relasyon nakikita niyang malabo na. Lahat ng yan, may hangganan kapag sila natauhan. Alam mo kung anung mahirap? Sila yung mga taong, yung nararamdaman sayo, unti-unting bababa, unti-unti mawawala. Makakalimutan ka pati ang ala-ala na minsang minahal ka ng sobra. Gusto mo mang ibalik kapag sila nawala, maghihintay ka ng himala.

Miyerkules, Marso 5, 2014

KOrak

REALTALK:

Wag kang umasa sa SWEETNESS na pinapakita niya...
-
-
-
Kasi baka mamaya, yang inaakala mo na LOVE STORY ay TOY STORY lang pala...

May tama bang paraan o linya sa pakikipaghiwalay?

Heto ang ilan sa kanila:

1. IT’S NOT YOU, IT’S ME – Anak ng hilaw na sayote. Isa sa pinaka lumang litanya. Sa sobrang luma nito, pwede na siyang itabi sa “I shall return” ni Mcarthur. Kung may iba pang chicks noon, malamang ito ang ginamit ni Adan para makipagbreak kay Eba. Ikaw naman pala ang may problema, bakit sakin ka nakikipaghiwalay? E di dapat ang iwanan mo e yang sarili mo. Schizo kaba o naka coccaine?

2. YOU’RE TOO PERFECT FOR ME – Applicable lang ito dun sa mga jowa na halos nasa kanila na ang lahat. Gwapo/Maganda. Matalino. Mayaman. May magandang career. Magaling sa sports. May alam sa music. May sense of humor. Mabait. Samakatuwid. Noong umulan ng magagandang katangian, may dala siyang planggana. Siya lang ata ang anak ng Diyos. Hindi ito pwede sa bf/gf mong ex-con o drug pusher.

3. IT’S NOT WORKING – Isa sa pinakamalabo. Bakit “not working”?. Sira ba tayo na parang alarm clock na hindi tumutunog? O cellphone na hindi nakakareceive ng call kahit may signal? Ano? Kelangan bang palitan ang mga battery natin?

Sabado, Pebrero 15, 2014

Trust

"I TRust You" is a better compliment than "I love You" because you may not always trust the person you love but you can always love the person you trust...

Sabado, Pebrero 8, 2014

Dapat Alam Mo?

Sa pag-ibig dapat alam mong lumaban kapag nasasaktan ka na, dapat alam mong sumuko kapag sobrang nahihirapan ka na at higit sa lahat dapat alam mong umayaw kung alam mong wala na talagang pag-asa.
Sa pag-ibig hindi na baleng talo ka at iwanan ka. Ang mahalaga alam mong may ginawa ka para ayusin ang lahat. Hindi man naging happy ending ang lovestory nyo atleast sa bandang huli masasabi mo sa sarili mo..
"Natalo man ako at tuluyan ka mang nawala sa piling ko, Alam ng puso ko at naramdaman ng puso mo na minahal kita hanggang sa kaya ko."

2nd chance?

Para sa mga taong nagbigay ng 2nd chance pero sa pangalawang pagkakataon e nasaktan ulit. Kung di ka pa natauhan o Gusto mo nang matauhan (Read This)

Martes, Pebrero 4, 2014

STAGES OF MOVING ON

 DENIAL. Ito yung alam mo na tapos na ung relationship niyo pero di mo matanggap na wala na kayo. Na wala na siya. Umaasa ka na maging “OK” pa kayo o maibabalik pa ung dati.

ANGER. Pag nagbreak kayo, madalas kang nakakaramdam ng galit at naghahanap ka ng masisisi mo. Kung anu ano ang naiisip mo. Na bakit ka niya iniwan. Ibinigay mo naman lahat. Minsan na kakagawa ka ng bagay na nagiging dahilan na lalo hindi siya bumalik sayo.

Biyernes, Enero 31, 2014

May point naman?

Kapag mahal mo. Hindi ka mapapagod na mahalin sya. Hindi ka mapapagod na intindihin sya. Hinding hindi ka susuko sa kanya kahit na anong mangyari kasi mahal mo sya at hindi mo kayang nakikita syang nalulungkot at nasasaktan kasi dobleng sakit yung nararamdaman mo. Gagawin mo lahat mapasaya lang siya, kahit magmukha kang tanga okay lang basta mapasaya mo siya. Isinasantabi mo yung galit mo sa kanya kasi mas mahalaga yung maayos kayo, yung maging masaya kayo. Minsan mapapagod ka na kakaintindi sa kanya pero kahit kailan hindi mo siya susukuan kasi mahal mo sya. Mapagod ka man eh magpapahinga ka lang para maging okay na ulit ang lahat. At higit sa lahat, HINDING HINDI MO SYA IIWAN.

 Eh pano pag GINAGO kana?

Pinakamasarap

Pinakamasarap? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman.Yung walang sumpaan pero walang iwanan. At yung walang titulo pero alam mong iyo.