Martes, Pebrero 4, 2014

STAGES OF MOVING ON

 DENIAL. Ito yung alam mo na tapos na ung relationship niyo pero di mo matanggap na wala na kayo. Na wala na siya. Umaasa ka na maging “OK” pa kayo o maibabalik pa ung dati.

ANGER. Pag nagbreak kayo, madalas kang nakakaramdam ng galit at naghahanap ka ng masisisi mo. Kung anu ano ang naiisip mo. Na bakit ka niya iniwan. Ibinigay mo naman lahat. Minsan na kakagawa ka ng bagay na nagiging dahilan na lalo hindi siya bumalik sayo.

BUYING YOUR EX BACK. Ito yung gusto mo makipagbalikan sa kanya. Magmamakaawa ka. Yung tipong papayag kang igive up lahat ng meron ka, bumalik lang siya. Pero ito kadalasan ung nagbibigay sa mga lalaki na mas lumayo kasi iniisip nila na desperada ka.

DEPRESSION. Pag tapos na yung galit sa relationship break up, madalas ka makakaramdam ng depression. Feeling mo hopeless ka, wala kang energy, hindi mo alam ang gagawin mo. Dito mo marerealize na tapos na talaga yung relationship niyo at wala ka ng magagawa para maibalik ung dati.

ACCEPTANCE. Yung final stage. Tanggap mo na wala na talaga kayo. Ito yung time na magbabago ka na, aayusin mo na ang sarili mo. At magpapakasaya ka na sa buhay na meron ka ngayon. It’s a long process. Pero ganun talaga. Life must go on. Hindi titigil ang mundo pag nawala siya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento