Minsan dumarating sa ating buhay ang mga taong alam mo na nandyan upang tumulong at gawin ang mga hangarin sa buhay, turuan ka ng aral o tulungan ka na buuin at alamin kung sino ka o kung ano ang iyong hangarin.
Hindi mo alam kung sino ang mga taong ito ( maaring iyong kasama sa bahay, kapitbahay, trabaho, nawalay na kaibigan, minamahal o maging isang estranghereo) subalit kapwa minsang nagtama ang inyong mga paningin, alam mo na sa oras na 'yon na makaaapekto sila sa buhay mo sa anumang hindi inaasahang paraan.
Minsang nangyayari ang mga bagay-bagay na sadyang hindi mo inaasahan, masakit, mapaglaro at sa unang tingin pa lang ay hindi patas, subalit matatapos ang lahat. Matapos mong malampasan ang mga pagsubok at pasakit ay saka mo lamang nalaman kung paano lumaban at gamitin ang lakas at kapangyarihan ng puso.
Lahat ng pangyayari ay may dahilan. Walang "TSAMBA" sa mga pangyayari o ng dahil sa swerte. Pasakit, pagmamahal, nawawalang sandali ng tunay na kaligayahan at damdamin ng pagkawalang silbi, lahat ng 'yan ay dumarating sa buhay upang hamakin at subukin ang hangganan ng iyong kakayahan.
Kung wala ang mga pagsubok na ito, ano bang mayroon?! Walang aral ang buhay, tuwid, walang patutunguhan. Ligtas at komportable subalit nakakabagot at tunay na walang inaasam.
Ang mga taong iyong nakilala at nakaapekto sa iyong buhay at ang mga pagtatagumpay at pagbagsak o pagkabigo sa iyong mga karanasan ay tumutulong upang buuin kung sino ka at anong hangarin mo . Kahit ang masalimuot at masakit na karanasan ay napag-aaralan. Sa totoo lang sila pa nga ang tunay na mas mahalaga at kailangan.
Kung sinaktan ka, tinalikuran, trinaydor o dinurog ang puso ng sinuman, patawarin mo sila. Dahil tinuruan ka nila kung paano magtiwala, kung paano bigyang halaga ang bawat tao at buksan ang iyong puso.
Kung may nagmamahal sa iyo, mahalin mo rin sila ng walang kundisyon, hindi dahil minahal ka nila, kundi dahil tinuruan ka nilang umubig at magmahal at kung paano buksan ang iyong puso at mga mata.
Damhim ang bawat pagkakataon at yakapin ang mga oras na alam mong kailanman ay 'di na maaring mangyari o maulit pa. Kausapin mo ang mga taong gusto mo at di mo pa nakakausap at pakinggan mo sila.
Pabayaan mong umibig ang iyong sarili at talasan ang iyong sariling paningin. Taas noo mong sabihin na mabuti kang tao at naniniwala ka sa iyong sarili. Kung naniniwala ka sa iyong sarili, hindi mahihirapan ang ibang taong na maniwala sa'yo.
Magagawa mo ang buhay na iyong hinahangad. Patakbuhin ang sariling buhay at mabuhay ng walang pagsisisi. Ang mahalaga magmahal ka at nasabi mong mahal mo sila. Malay mo kung anong meron bukas. At matuto ng mga aral sa buhay araw-araw. Iyan ang KWENTO NG BUHAY.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento