Sa una, hiring palang kaya maraming nagkakandarapa na makuha bilang isa sa pinakamagaling na applikante...
Ang iba choosy kaya matagal bago makakuha ng trabaho...Ang iba naman grab lang ng grab.. kung saan saan lang makasabit.. ngayon sales lady/boy sa mall next week nadoon na sa hotel taga welcome ng guests at sa susunod namang linggo encoder naman sa computer shop. Di mo alam kung trip trip lang o sadyang nasanay lang na marami ang kinakabitan.. ang iba nga pinagsasabay eh... part time kay shota 1, full time kay shota 2, pati kay shota 3 at yong malala, ang iba meron ng asawa. Kapag stable ka naman sa work mo at naging regular ka na... minsan nakakasawa na kasi paulit ulit ang pangyayari... daily routine na ang lahat na siyang dahilan para humanap ng ibang MAS-exciting at MASbagong tatrabahuin.
Ang iba naman todo effort sa trabaho kasu hindi ganoon kataas ang sahod na ibinabalik sa kanya ng taong minamahal niya. Pero panay parin ang trabaho at panay parin ang kayod.
May iba naman, matagal na sa kompanya kaya nanghihinayang na magresign kahit may naaamoy na masmabangong kompanya. Sayang naman kasi ang halos 5 years na yong pinaghirapan di ba?
At ito ang pinakadabest sa lahat maraming mga applikante ang sasabihang "Just wait for our call"... yong tipong complicated... yong di mo alam kung aasa ka? kung maghihintay ka pa? kasi parang okey naman kayo nong interview.... masaya ka habang nagsishare ng iyong experiences at siya naman masayang nakikinig sayo.,. tapos isang linggo nang di tumatawag... follow up ka ng follow up... wala pang result... sh*t na sh*t yan... subrang complicated.. yong tipong parang kayo pero walang commitment... may I love you pero walang selosan... may tawagan ng bhe o sweetheart pero di magshota... Sa huli ang talo parati ay yong MASnadevelop...kasi MAS-umasa... kaya MASnasasaktan...
Alam mo na kasing sa buhangin lang siya pumirma ng kontrata feeling mo forever na... tsk tsk... Isang alon lang ang katapat niyan... endo ka na agad sa kompanya..
Kaya minsan naiisip ko dapat contract base nalang ang relationship.. yong tipong... sige pirma ka rito.. 1 month lang tayo ha.. after that kapag di tayo nagwork out tapos na.. pero kung okay naman at satisfied tayo sa isa't isa... irenew nalang natin para maging 3 months...
Pero di eh... kasi sa trabaho papel ang pinag-uusapan... samantala sa relationship...damdamin ng dalawang taong nagmamahalan...
Papasaan din at makakahanap ka ng trabahong di mo bibitiwan... yong forever na till death do us part... kasi siya na talaga ang gusto mong PINAKAhuling trabahong papasukan mo hanggang sa tumanda ka. Kahit umalis ka man at magpakalayo layo dahil sumakit ang iyong loob... babalik at babalik ka pa rin sa kanya kasi... alam mong papatawarin mo siya at papatawarin ka niya... hanggang sa tanggap niyo na ang ugali ng bawat isa...
Di baleng marami kang napasukang trabaho noon.. ang mahalaga.,.. may isang natatanging kompanyang tumanggap ng yong kahinaan at naniwala sayong kakayahan... na handa kang ipagmalaki sa buong mundo na ikaw ang kanyang Best Employer magpakailanman...
By: Jam Of pasaway in ka ba dito
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento