Ang tulang 'to ay brought to you by ng inyong lingkod
Please take time to read para worth it naman pagod
True to life ang peg, baka everyone maka-relate
Pero malayo sa senaryong, TRUE LOVE CAN WAIT.. ( hahaha )
Sino ba sa inyo, biktma ni forever?
Naniwala at umasa sa happily ever after? ( kay Maya at Ser Chief lang 'yun hahah.. )
Isa kasi ako dun, at obvious naman
Heto nga't nag-eemo, di pa din maintindihan.
Over a year ago, we've met on fb
Akala ko nga noon, we're meant to be
Nag click kasi kami kaagad
'Yun pala matatapos din agad-agad.
It all started sa friend request, Hi, Hello, ganun..
'Till one day naging mag-on
Kilig syempre ang lola mo,
Cute kasi ni BF at sobra pang bango ( hahaha )
Almost everyday kaming magkatxt, chat at twagan
'Yun kasi mode of communication ng tulad namin distance ang kalaban
Pero ok lang 'yun, kasi mahal mo naman
Hoping one day mauwi sa kasalan.
And yes, andun ang pag-aaway, mood swings at pagtatampo
Pero tulad nga ng sinasabi namin pareho
Isipin lang namin ang happy days at pangarap na binuo
Sisiw lang ang away, 'wag lang kami magpatalo.
I must admit, me pagkaselosa ako
Natural lang naman, ayoko kasi ng me lumalandi sa mahal ko
Syempre andun na din 'yun fear na maiwan muli
I've been to past relationships kasi, parating sawi.
From all what happened sa aming relasyon
Akala ko nga magsisilbi 'yung pundasyon
Pero i was wronged,
And 'till now, nahihirapan mag move-on.
Ngayon ako sa inyo'y may tanong..
Dumating na ba sa point ng buhay ninyo'yun out of nowhere matatameme na lang bigla?
Tapos iiyak na lang at sa sarili'y maaawa?
Hirap, ano? Nakakawindang at nakakawala ng gawa.
I just can't understand why things changed between us
Umasa pa naman ako na kami na hanggang wakas
'Till now andami ko pa din tanong
Remain unanswered, waiting for him all along.
Asan 'yun forever mo, babe?
Hindi ko kasi maramdaman at makita
Pati nga si Google, inistorbo ko na
No web results kasi lumalabas nun tinry kong hanapin ka.
Only to realized, mag-isa na lang pala ako
'Yun feeling na leftover na pagkain sa fastfood d'yan sa kanto
Bakit sabi mo, 'Mahal mo ako?
'Asan na 'yun ngayon, bakit biglang nagbago?
You know guys, isa sa aking natutunan
Wag magmahal ng sobra, kasi masasaktan ka lang
Tama na ang konti, 'yun sakto lang
Kasi minsan lahat ng sobra, nasasayang.
Hindi nasusukat ng mga pangako ang isang relasyon
Kasi ano'ng kwenta ng pangako, kung kulang sa actions
There's no such thing as forever, mga katoto
Naimbento lang ang forever ng taong tinamaan ni Kupido.
Lesson learned ika nga,
Nainlove. Nasaktan at nadapa.
But one thing I've realized sa aking pag-iisa
'Yun forever na sinabi niya, drawing lang pala.
Ok lang umiyak, just feel the pain
Don't worry, there's always a rainbow after the rain.
Mahirap man sa simula, but life must go on
Hindi siya solar system para paikutin ang mundo mo dun.
Biktima ka man o ikaw mismo ang nambiktima
Next time sana 'wag umasa at magpaasa
At 'yan forever wag na sanang sabihin pa,
Patunayan mo na lang araw-araw na mahal mo siya, sapat na..
By: I Am Guevarra
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento