Biyernes, Hunyo 13, 2014

The Point of view of true Relationship

Tandaan mo na walang pag-ibig ang nabubuo sa pundasyon na pinuno ng galit, gulo at paninibugho na gumuguhit ng maraming maling akala, pagdududa, tagpi-tagping kwento at pandaramay sa mga taong wala naman talagang alam sa pinagdaraanan ninyo. At higit kailanman hindi naging susi ang pagtahol gaya ng nasisiraang ulo na nagpapatunay lang sa kung anong klaseng PAGKATAO at edukasyon ang dala-dala mo. 

Tao kang nagmamahal sabi mo kaya PATUNAYAN mo ng may puso --- Pusong may Talino, Paninindigan, Hinahon, Dignidad at Respeto! 


Kayo ang bumuo ng mundong meron kayo. At kayo lang rin ang maaring sumira o magpayabong nito. Move it! Ito kasi yung Happy lang, walang Ending!

----

Mangyayari lang to kung 2 kayong bumuo ng istorya ninyo at 2 rin kayong nagpapakapagod na patunayan sa bawat isa ang pagmamahal ninyo! Pero kung sa paglipas ng panahon, tila isa na lang ang nagsusumikap, ano pa ang silbi ng ginawang pondasyon? Kung ang isa ay makikita mong maraming pondasyon na inuumpisahan sa iba't ibang panig? Habang ang isa, umaasa, naghihintay sa tulong at pagsusumikap ng kasama? 

Sa isang relasyon, pinakamahalaga ang panahon at pagpaparamdam kahit hindi ipakita ng pagmamahal na pinag usapan ng 2.. Hindi ng isa lang... At sa isang relasyon binuo ng 2 tao, hindi ng 3 o 4 ... Dalawa kayong bumuo, dalawa rin kayong wawasak...!! Hindi pwedeng maging happy lang at walang ending kung ang kasama mo sa pagbuo ng pondasyon , ay puro happy lang ang alam.. At ang masakit hindi ka kasama sa happiness na yon!!! Kaya merong ending dahil hindi ka tanga, para payagan mong tangahin ka ng taong itinuting mong pinakamahalaga sa buhay mo!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento