Hindi na tayo tulad ng dati.
Puno ng saya at kilig parati.
Yung buhay na buhay at masaya.
Ngayoy matamlay at wala ng gana.
Sana mababalik yung naguumpisa pa lang tayo.
Kulang ang isang linggong ika'y kasama ko.
Ngayon parang ang tahimik na natin.
At Away lang ang kaya nating gawin.
Paano na nga ba aayusin ang lahat ng ito.
hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.
Habang tumatagal nagiging boring tayo.
Lahat ng ginagawa ko mali na sayo.
Mga biro ko dati, labis kang pinapatawa.
Ngayon kahit pekeng ngiti wala na.
halik at yakap mong kay init parang wala ng bukas.
Ito tayo ngayon kasing lamig na ng christmas.
Parang naghihintayan na lang ata tayo.
Kung sino unang sumuko siyang talo.
Hanggang kailan tayo magiging ganito?
Saan patutungo ang relasyon na ito?
By: Bryan Rivera
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento