Lunes, Hunyo 2, 2014

Unspoken Feelings

“Eric Navarro Tumalay”

Ligaw tingin, Oo TORPE parin (As usual)
Yun bang feeling na di mo maamin?, (kasi Abnormal)
Mga simpleng pagtanaw at pagpansin,
Ikinabubuhay ko na parang oxygen,


Malaki lang siguro ang topak ko, (Anong siguro?)
Pagwala ka? wala akong sinasanto,
Pag nandiyan ka na’y sisinto-sinto,
Nauutal-utal at sa pagsalita’y hihinto-hinto,
(Choppy! Haha)

I don’t know if you even know my name,
Well even if you do it will still be the same,
Ako pa rin yung taong deny ng deny,
Na pag makakasalubang ka’y pipilay-pilay,

Parang bateryang namamatay-matay,
Parang bakteryang pinapatay-patay,
Heto akong walang salitang maibigay-bigay,
Parang kantang di maisabay-sabay,
(Music .. “Ako ang hari ng Sablay” )

Maybe this is my last way to say,
That I won’t regret at the end of the day,
Pero kung palpak talaga ?
Then back to square 1 at mag tiyaga,

Kahit na ganito lang ako papayat-payat,
Sa unang tingi’y parang buto’t balat,
Napaka lampa parang puyat na puyat,
Pero pag nagmahal naman ibibigay lahat –lahat,

Sayo pa lang buto ko’y kumakalas-kalas,
Pag tingin mo’y parang walang kalakas-lakas,
Sa ngiti mong kay tamis tila nababaklas-baklas,
At paghanga sayo’y parang npapadalas-dalas,

Gusto kong ipwagsigawan ng napakalakas,
Marinig man ng iba ang boses kong minalas-malas,
Subalit wala akong pakelam kahit umulan ng Lait,
Dahil alam ng Langit mamahalin kita ng Paulit-ulit

And if it will come to a time ng ika’y Magsawa,
Hindi ako titigil magmahal sayo at Magpatawa,
Huwag ka saaking magalit bagkos ay Maawa,
Dahil ikaw parin ang gusto kong Mapangasawa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento