By: Eric Navarro Tumalay
Unang una’t praprankahin kita, Hindi ka sexy,
Hindi rin maganda, Masungit, Tahimik, at Suplada ka,
Pero ang tanong Bakit crush kita?
Hindi ko rin alam kung saan nagsimula,
Bawat kong pagiwas pag ako’y namumula,
Dinadaan sa bawat letra ng aking tula,
Pusong kinikilig at nais magwala!
Dapat ba kitang tawaging CRUSH?
Pag lapit mo kasi’y di ko mapigilang mag BLUSH,
Ngingiti sana ako pero gusto ko ulit magBRUSH,
Para naman fresh at di magmukhang TRASH..
Lagi kitang pinapangarap parang FANTASY,
Laging magisang ngumingiti parang naka ECSTASY,
Nangangarap na ang love story natin ay pangFAIRY TALE,
And never end up sa masaklap na pangEPIC FAIL, (^^)
Pupusta akong nakangiti ka na.
Pero di pa tapos ang aking pangchochorva,
Dahil lagi kong inaabangan ang ating HOROSCOPE,
At ikaw ang lagi kong sinusulat sa FLAMES HOPE,
I don’t know kung paano ko sayo ieEXPLAIN,
Pintig ng puso ko kasi sing bilis ng BULLET TRAIN,
Para ka kasing GERMS that kutikots my HEART,
And with one SMILE wow! I think my world will ERUPT.
Can’t think of any reasons kung bakit kita nagustuhan,
Simple LOGIC and REFLEX lang siguro ng aking katawan,
Pero one thing I know kung bakit ko to sinimulan,
May mga bagay kasing di itinuturo pero natututunan.
Kaya sa chick na nakakabasa ng sinulat ko,
Oh please makaramdam ka! kaw pinapatamaan ko,
Iaangat ko na ang pagmamahal ko sa RED ALERT!
At mangangako akong sayo lang makikipagFLIRT! (^O^)